PDA VS PI

November 6th, 2006 by wilfredtabs

Pinoy Dream Academy VS Philippine Idol

Nakita kong mas-epektibo ang PDA sa paggawa ng mga bagong singers ng ating henerasyon ngayon. U

nahin na natin ang Judges… Wala akong masasabi sa judges ng PI dahil nandun ang pinakamalaking factor nila o pinanghahawakan upang masabing credible ang show, si Mr.C. Nakakadismaya lang ang dalawa pang judges, Mamita at Francis M.? Sorry sa mga may kilala sa kanila pero aminin niyo man o hindi, hindi sila credible. Minsan sumisemplang sa pagkuha ng hurado ang PDA pero masmakikita nating epektibo ang kanilang ginawang sistema, ang pagkuha ng iba’t ibang taong may kinalaman sa larangan ng musika ng Pilipinas. May ilang hindi credible at may ilan namang talagang may "K" upang maging hurado.

Contestants. Sa PDA, mula sa pagkuha ng 16 students ay nadagdagan ito ng 4 pa. 20 sumatotal. 20 kataong sadyang kinuha ng ABS upang maging representative ng bawat sulok ng buhay ng tao. Halimbawa na lamang si Rosita. Kinuha ng ABS si Rosita upang maging representative ng mga OFW. Kahit ilang libong tao ang nagngingitngit na paalisin na si Rosita sa Academy ay hindi pa ito mangyayari maliban na lamang ngayong linggong ito kung masasawi ang student na ito.

Ang iba pang mga students ay kinuha on purpose upang ipakita sa masa na sila ang ordinaryong taong may iisang pangarap na nagmula sa iba’t ibat klase ng pamumuhay. May mga international students na karamihan ay may problema sa society, sa mapmilya, at pati na rin sa sarili. May kani-kaniyang istorya ang bawat isa sa kanila. Aminin rin man o hindi ng ABS ang katotohanang karamihan sa mga iskolar ay hindi karapat-dapat sa academy ay masasabi pa rin nating nakikisimpatya tayo sa mga istudyanteng mga ito. May kani-kaniya tayong kinasusurahan at kinakikiligan.

Itaga niyo na sa bato, isa si YVAN at YENG sa mga matitira. Kung napapanood niyo ang 24 oras ere ng PDA o ang LIVE "show" nila, makikita niyo ang improvements nila pero sadyang may mga tao pa rin talagang may "K" na matira sa loob ng academy.

Tingnan natin sa PI. Ang ayoko sa sistema talaga ng IDOL ay ang pagkamit ng panalo sapamamagitan ng TEXT Votes. Nakakadismaya na karamihan sa kanila ay magagaling subalit kaagad namang naeeliminate marahil na rin sa kakulangan ng supporters. May mga hurado pero wala pa rin silang say sa magigiging resulta ng text votes. Kung hindi pa siguro nag-iyak at nagdrama si Mau na kababayan ko, marahil ay hindi siya magtatagal sa finalists hanggang ngayon.

Ang nakakatuwa sa PDA ay makikita mo agad ang resulta ng pagiging sikat nila. Alam kong maraming kumukontra pero ito lang ang sasabihin ko, maganda ang mga awit na ginawa nina Yvan, Yeng at RJ. Tsk tsk… Sila ang himig at titik. Meron ba nun sa PI? Wala…

Pero aminin na nating masmagigiging sikat ang PDA contestants kesa Philippine Idol. Ano naman kaya ang masasabi ng "Pinoy Pop Shuperstar?" Wala… Dahil hanggang kina Jona, Brenan, Gerald, at Aycel na lamang sisikat ang PPS. Yung mga susunod na batch? Wala na… Alisin na kase ang Pinoy Pop… Wala naman kaseng kuwenta. Hindi pa ako nakapag-audition sa kahit saang singing contest pero ayon sa mga narinig ko sa mga friends ko, wala daw kwenta sa PPS. Yung mga magagaling ang siyang hindi natatanggap kase sila yung mga walang mukha. Buti na nga lang at pinag-halu-halo ng ABS ang mga mukha ng PDA iskolars ngayon. May mga pangit at may magaganda. Yun naman rin ang kagandahan sa PI, walang pangit at walang maganda. Basta magaling kang kumanta, pasok ka!

Minsan nga naiisip kong mag-audition na rin. Try ko kaya? Sa next PDA siguro saka sa PI. Pero sa PPS? Huwag na… Wala na kaseng kuwenta ang PPS ngayon. Dati meron… Kilala pa kaya ako ng mga PPS na yun? tsk tsk…

Legarda

November 6th, 2006 by wilfredtabs

Nakakapagod maghakot. Tama. Umalis na ako ng Legarda… ang aking beloved house na sobrang init at lumalamig lamang kapag madaling araw na kahit. Kaya naman iniiwan ko itong bukas na bukas parati ang malaking bintana sa tuwing aalis ako papuntang galaan o sa trabaho. Masaya naman ang naging buhay ko sa Legarda. At ngayon ay balik Sta.Mesa na ako. Ayun. Bedspace na lang talaga yun. Isang malaking travelling bag, isang lalagyang plastic para sa mga panlabas kong damit, isang kutson na pinaglipasan na rin ng panahon, dalawang unan, electric fan, at isang kahong naglalaman ng mga anik-anik ko kasama na ang isang package ng books ni Dann Brown na nabili ko sa Power Books sa pakiramdam na mauubusan ako at hindi na makakakita pa ng ganitong klase ng packaging.

Balik Sta.Mesa kase doon na rin kami tumira dati kapag lumuluwas kami ng Maynila galing probinsiya. Maganda pa rin yung puwesto sa Legarda kahit anong mangyari kase paglabas mo talay-talay na ang mga bilihan ng pagkain pati na internet shop. Hindi lang yun, ang lapit lang niya sa USTE. Alas-siete ang klase ko at gumigising na lamang ako ng alasais-imedya. Gugugulin ko ang trenta minutos na ito sa paghahanda ng sarili papuntang Uste. Magsisipilyo. Maliligo. Magbibihis. Aayusin ang gamit. Bababa ng bahay dala ang isang notebook at ballpen at kakain sa tapat. Pero ang oras na ito ay hindi ko kailanman nasunod, maliban kapag may exam. Gigising ako ng alas-siete impunto. Magsisipilyo. Maliligo. Magbibihis. Bababa ng bahay dala ang isang notebook at ballpen. Sasakay ng Lealtad. Bababa sa kanto. Bibili ng Apple C2 at isang skyflakes. Lalakarin ang pa-Espana. Papasok ng gate. Sasabihin sa guard, "TCP." Papasok ng kuwarto at saka uupo upong tumutok sa gurong nasa harapan.Mukhang hindi ko na magagawa ang mga ito ng maayos. Dalawang sakay na ang gagawin ko papunta ng Uste next sem. Tsk tsk…

Babalikan ko na rin muna ang agency habang naghihintay ng trabaho sa media. Namiss ko ang media sa totoo lang. Hauuhaw ako sa mga artista. Pero sinabi ko na sa sariii kong hindi ko na muna tatanggapin ang mga trabahong tumatawag sa akin… May goal ako ngayon… (As if hindi nagbabago ang goals ko araw-araw.) ang bumili ng DSLR na Nikon. Kapag meron na ako nito, makakapagpraktis na ako ulit ng mahusay sa pagkuha… Ito ang ticket ko para makasakay muli sa naudlot kong pagbabarko dahil sa nagkapatung-patong na career movements. May tumawag galing media. May sa barko. May sa LB para magturo. May On-line teaching. May call center at kung anu-ano pa na hindi ko na mabilang. Ang karamihan galing sa inaplayan kong work sa jobstreet. Yung iba naman hindi ko alam kung pano nila nakuha ang number ko. Pati nga pagmamasteral pinatos ko.

Ang Asian Center sa Diliman? Ayun… Mag-isa sila dun. Sumabay pa kase sa sked itong Asian sa mga application ko sa work kaya nagkandaleche-leche ang lahat… Pati nga yung ibang tawag sa akin sumabay sa twag ng iba… Hindi ko na kinaya kaya nagdesisyon muna akong umuwi na lang muna ng probinsiya at doon magmuni-muni. Papasok naman ako next sem ulit kaya ayos lang. Pero Saturday classes lang ako at sayang naman ang buong linggo kung hindi ako magwowork… Kaya nga nabanggit ko na babalik muna ako ng agency. Magpe-peak season na naman eh. Dadating na namana ng mga Koreano. Malamig kase sa kanila ng sobra ngayong panahong darating. Ayun… At saka paano ako makakaipon kung hindi ako magtatrabaho hindi ba? tsk tsk…

Naisipan ko ring mg MA sa UE. MA Educ major in ESL. Hmmm… ticket ko rin ito sa Korea pero napagisipan kong bakit hindi ko na lang imaster ang napakakariniwang na kurso… Mass Comm… Hmmm… Ang kursong walang Math… Takot ako sa mga numero eh. Pakiramdam ko hinahabol nila ako at nagsusumigaw na i-solve ko daw sila. Haggard di ba?

ang birthday ng kaibigan ko…

November 6th, 2006 by wilfredtabs

Birthday ngayon ng isa sa pinakamalapit kong mga kaibigan. Noong isang linggo ko pa sinabi na pupunta ako sa kanila kahit walang handa. Ibibili daw siya ng bagong cellphone pero ang kapalit… walang handa sa mismong kaarawan. Ang sabi ko sa kanya, "hello? Kahit anong mangyari ipaghahanda ka pa rin ng mga magulang mo kahit paano."

Nakumbinsi ko naman siya. Ipaghahanda daw niya ako ng pancakes. Aba! Mabuti naman. Ilang araw ang nakaraan ay sinabi niya sa akin na mukhang magpapancit ang mommy niya. Handang-handa na akong pumunta doon kagabi pa lang… Pero umulan… ng malakas…

Paggising ko kaninang umaga ay halos magtalukbong ako ng makapal kong kumot habang umaandar ang electric fan na sadyang nakatutok na noon pa man. Ang lamig… ang lakas ng ulan… Sa natatandaan ko alas-siete y media akong nagising at ihing-ihi. Bumalik ako ng higaan at muli ay natulog. Nagising ako ng alas-diyes. Ang lamig pa rin at ang lakas ng ulan. Naisip ko tuloy na ano kaya? Tutuloy pa ba ako? Isang baranggay lang naman ang pagitan ng bahay namin. Isa pa, bahang-baha sa labas. Bahang-baha sa dadaanan ko palabas ng purok.

Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang ulan at himalang hindi ako naka-electric fan. Hindi ordinaryo sa akin dahil sa pagkakakapal ng balat kong ito. Hindi pangkaraniwan. At hanggang ngayon sa aking kinauupuan ay malakas pa rin ang ulan. Alas-kuwatro na pero ang dilim na ng sobra sa labas. Tipong alas-singko y media na ng hapon. Hindi ko alam pero parang nga pating kinikilabutan ako. Biklang parang tumirik ang buhok ko sa ulo dito sa kanang bahagi ng kinauupuan ko. Tila may nanonood ng sinusulat ko sa compu.

Pero dedma na. Wala naman akong pakialam sa kung ano mang nararamdaman kong ito sa kanang bahagi ko. Iniisip ko ngayon ay kung paano ako pupunta ng Tonggohin. Baha sa labas. Malakas ang ulan. Malamig. Madilim na. Napagkikita ko nang magagalit ang kaibigan kong ito dahil noong isang linggo pa nga ako nagsabi na pupunta ako kahit wala siyang handa. Habang wala rin naman akong ireregalo sa kanya dahil jobless ako at walang perang naipon mula sa pinagtrabahuhan ko sa 7.

Pinag-iisipan ko talaga. Ano kaya? pupunta pa kaya ako?

A Day with PPS

November 6th, 2006 by wilfredtabs

Kilala pa kaya ako ng mga PPS na yun? tsk tsk… Matapos kong magresign sa GMA ay nangangati naman akong bumalik doon. Naalala ko uloy yung isang buong araw na kasama ko ang mga PPS na yun… SOP nun sa Mall of Asia. Opening din nila noon. May isa kaming segment sa Groupee, VLOG… Video Log… At ang Video Log namin nun ay sina Gerald at Jona. PPS winners kase. Hay… Akalain ko ba namang magigiging handler nila ako nung araw na iyon… tsk tsk…

Ganun pala ang feeling kapag sikat ka… Lahat ng tao magpapapicture sa iyo, kakausapin ka, tatanungin ka ng kung anu-ano, magpapa-autograph etc. Katatapos ng SOP, kailangang sundan ko noon si Jona dala ang video cam. Kasama ko noon si Jona, Brenan at Michael. Aba! Gagala daw sila! Papatayin ang oras dahil manonood sila sa IMAX ng X-men. Aba! Ayun! Halos sumakit ang katawan ko sa kanila sa pakikipaghabulan sa mga taong humahabol sa kanila.

Aba! Eh di ayun, nung una sige… kausapin niyo lang tong tatlong to ano? Per wag ka! tumagal ay naging haras na ang mga tao. Ayun! Naging instant handler ako! "Ay, excuse po… sige po… may pupuntahan pa po kami… sige po… salamat po… babay po…" Iyan ang dialogue ko sa mga tao… paulit-ulit. Sabay hikit sa tatlo. Si jona halos hindi na bumitaw sa kaliwa kong braso. Si Brenan naman sa kanang braso ko… Naiwan si Michael! Sabi ko sa dalawa teka lang… Kunin ko lang yung isa… Ayun… Hinikit ko yung isa. Sumakay kami ng escalator habang nakapulupot si Jona at Brenan sa mga braso na tila hindi namanhid na ang mga brasong ito sa higpit at si Michael na hikit-hikit naman ang damit ko sa likod na tila takut na takot na mawala sa gubat. Haras talaga ang araw na yun… hay! Pero ayun. Masaya naman…

Kahit papaano naging artista na rin ako… Shet! Nakakatakot palang maging artista ano? Hay… Tapos si Gerald naman kinabukasan. Hay! Sinamahan nami siyang magmotorcade sa Navotas… ABA!!! Niyuyogyog ng sasakyan namin!!! Sobra!!! Si Gerald naman pala ay sobrang down to earth parang sina Jona at Brenan.

Minsan ko na ring nakausap itong si Aycel. Nasa SOP rin kami nun. Ayun… Tinanung-tanong ko… Taga PLM pala siya at kaedad ko lang. Nursing. ANg sabi ko nga eh kailan mo itutuloy ang pagnunursing mo? Sabi niya 2nd sem daw ngayong 2007. Ayun… At minsang kuhaan ng sweldo… Nakapila siya kasama si Harry. Aba! Akala ata eh kumukuha ako ng sweldo… Magkaiba kase kami ng araw ng pagkuha… E ayun… Sabi ba naman magpakain daw ako! Aba! Haggard ka! Ang sweldo ko ay kakatiting lang sa sweldo mo… Ayun, ibinalik ko nga… Sabi ko "woi! pakain ka nga! to talaga! laki nga TF o eh… ako kawawa… Ahahahah!!!" Sabay tawa rin niya… Masaya naman dun sa GMA… Kaya lang itong susunod na batch talaga eh walang kwenta… tsk tsk… Kung mabibigyan ako ng work? Sa PDA ko nanaisin… Sa PI kase hindi naman magigiging sikat eh. Mabibigyan lang ng album pero after nun wala na… hay…

Princess Hour (Goong)

November 6th, 2006 by wilfredtabs

Princess Hour Matagal ko ng gustong bilhin yung Series na yun sa Quiapo. Natuwa lang siguro ako sa cover. Apat na tauhan na nakasuot ng pampalasyo ng Korea. Pangit nga yung mga tauhan sa cover ng dvd eh. Wag kang magexpect. Sa quiapo ko lang binili at hindi sa mall. Isang Korean Series na naman ang nagpatawa at nagpaiyak sa akin. Kinilig din ako. Maniwala ka…

Ang galing! Yun lang naman ang masasabi ko eh. Maganda. Maganda rin ang review sa kanya ng mga tao sa hancinema. Isang website na kung saan purong Korean products ang makikita mo na karamihan sa kanila ay napanood ko na. Ang saya! Isang pag-iibigan ng dalawang taong ipinagkasundo ng tadhana. A

Ng aroganteng prinsipeng si Shin. Parang si Zhishu ng It Strated with a Kiss. At si Caijing na nakapagpapatawa sa mga tao sa palasyo at pati na rin sa prinsipe. Para rin siyang si Xiangqin ng It Started With a Kiss. YUn nga lang… hindi tatanga-tanga si Caijing. Isang araw ko halos sila nakasama. Bente kwatro oras, bente kwatro chapters. Ang haba? Mahaba… Mahaba para sa isang ordinaryong Korean Series na labing-anim na oras o chapters lamang. Worth it naman… Yun lang. Isang series na hango sa isang Korean Komiks. Hindi ko maaaring pagkumparahin ang Princess Hours at It Strated with a Kiss. Magkaiba sila ng level ng entertainment sa tao bagaman at pareho silang mahaba…

24 sa Princess Hours at 20 naman sa It Started. Para sa mga hindi pa nakakapanood ng dalawang series, parehong ikinasal ang mga bida sa katapusan ng istorya. Maraming nakasaksi sa It started at dadalawa lang naman ang sa Princess, ang lola ni Shin at ang tagapaglingkod ni Caijing. Isang mapagmahal na anak ni Caijing. Kahit ayaw niyang magpakasal sa prinsipe ay ginawa pa rin niya ito kapalit ang pagiging maginhawa ng kanyang pamilya. Mahirap lamang sina Caijing pero nakakatuwa naman sila. Naramdaman kong isa ako sa mga tauhan ng kanilang kuwento.

Hay… Actually educational ang series para sa mga nag-aaspire na pumunta at mamuhay sa Korea dahil bibigyan ka nito ng malawak na pag-unawa sa mga gawain sa palasyo. Hindi mo naman masisisi sina Shawlin at Liu. Pareho lamang silang sawi sa pag-ibig ng dalawang nag-iibigan. Na kay Shwlin at Liu ang simpatya ko sa mga matitinding eksena nila. Nagawa nga ni Shawlin na magpakamatay dahil sa nawalang pag-ibig ni Shin sa kanya. Si Shawlin ang unang pag-ibig ng prinsipe. Tinanggihan ni Shawlin ang alok sa kanya ng prinsipe dahil masmahalaga para kay Shawlin ang kanyang pangarap kaysa sa pag-ibig niya kay Shin. Mahirap lamang sina Shawlin. At hanggang sa huli nga naghirap ang kanyang puso.Si Liu naman ay mag-isa lamang sa buhay kahit kasama niyang lumaki sa piling ng gahaman niyang ina. Ang buhay para sa prinsesa ay mala-Cinderella. Iyan ang ginamit ng mga tauhan sa istorya upang ilarawan si Caijing. Nakakatuwa si Caijing. Sa unang mga eksena at chapters ay hindi mo mapapansing maganda si Caijing at sasabihin mong tila pangkaraniwang mukha lamang meron siya. Pero habang tumatagal ay makikita mong talagang maganda si Caijing.

Sobra! Hindi ko lang lubusang maisip na sa ilang anggulo ng kuha ng camera sa kanya ay nagmumukha siya minsang Heart Evangelista at iyon ang hindi ko matatanggap. Hindi mo maaaring ikumpara si Caijing kay Heart dahil sadyang masmaganda si Caijing. Ang hirap pala ng buhay sa palasyo… Wala kang laya at hanggang dito ka na lamang sa apat na sulok ng pagkarangyang ito. Hmmm… tara na nga sa Korea! Baka makita natin si Caijing. Popstar si Caijing sa Korea. Bago pa man siya naging artista ay isa na siyang singer. Maraming nagduda sa kanyang kakayanan pero matapos ang mga dudang ito ay napalitan ito ng pagkagusto kay Caijing ng lahat ng tao. Nagkaroon na rin ng awards ang series na to sa mga TV Awards sa Korea kaya garantisadong may kalidad ang mapapanood mo, kung sakaling manonood ka nga… Tara na sa Korea!!!

It Started With a Kiss

September 8th, 2006 by wilfredtabs

Namimiss ko na sina Xiangqin at Zhishu… Anyways… sa sandaling panahon na nakasama ko sila pati ang pamilya nilang napakakulit… 5 araw… e talagang masaya na ako… sobra… gusto ko na ngang pumunta ng Taiwan ngayon. Hay… Ang kulit nila… Ang galing! Panoorin niyo ang tatanga-tangang si Xiangqin at ang napaka-aroganteng si Zhishu… ang cute ng aso nila! Sobra! Bibili ako ng ganung aso… ano na nga bang tawag sa ganong aso? Carmelie! Doc? Tulungan mo ako… alam kong alam mo kung anong tawag dun… ahahaha… Tinapos ko na yung series kaninang hapon… Hay… grabe… isang base sa Manga at Japanese Series… Pero ayon sa review ng mga fans… Itong Taiwanese Version ang panalo… kaya naman pumunta na kayo ng Quiapo at bumili na agad… kesa hintayin niyo pa ang ere ng ABS… may mga edit-out pa… tsk tsk…

TRABAHO at LB…

August 29th, 2006 by wilfredtabs

Ngayon ko nararamdamang gusto kong bumalik ng Maynila at muling bumalik sa mundo ng Telebisyon. Pero wala naman akong magawa dahil ang puso ko ay nasa LB! (Los Banos).

Naburyong ako sa Maynila. Oo. Pero Nabuburyong na rin ako sa LB dahil sa paghihintay ng kung anong pedeng mapagkakitaan kahit maliit lang basta ba mabubuhay ako nitong perang matatanggap ko. Ayos lang sa kin kahit anong work pero sana man lang yung akma sa pinag-aralan ko di ba? Nais kong bumalik ng entablado sa mundo ng pag-awit at pag-arte. Minsan naiisip ko na pati na i-pursue ang buhay ko bilang isang writer sa ABS at GMA matapos kong makuha ang inspirasyon sa Korean Movies at sa mga Koreanong naging istudyante ko sa Greenhills at sa Ortigas. Hmmm…

Namimiss ko na nga rin yung mga istudyante kong yun… Kaso mo, pano ko maiintindahan ang website nila sa Naver.com… kumusta ka naman… hindi ko pa naman hasa ang kanilang lengwahe… Harsh ang mundo hindi ba? Ayos lang… May 9 units naman ako ngayon… Istudyante rin ako… masarap balikan ang pagiging istudyante kaya lang nahaluan na ako ng dugo ng ibang unibersidad… Namimiss ko rin yung mga tao sa opisina namin dati… ang NMI… Masaya dun… Kaya naman lahat ng taong kakilala ko eh nagtatanong kung bakit ako umalis ng 7. Ang sabi ko na lang… Walang pera sa 7… Kahit 2 wala rin… Totoo naman… Yung mga natitira lang dun ang nagpapakagago sa karampot na sweldo. Gamit na gamit naman ang katawan mo… Tsk tsk…

Pangatlong linggo ko na dito sa LB… At hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa kin… Siguro mapapatay ako ng mga kasama ko sa Manila kung malalaman nila na dito ako naghahanap ng work… Yari ako… Ang paalam ko pa naman sa kanila eh jobless ako at walang pantustos sa Manila kaya napilitang umuwi ng Quezon… Kumusta ka naman? Kaya naman…. teka lang… no? teka lang… Kailangang magsipag sa paghahanap ng trabaho ano?